Thursday, January 21, 2010

First Time sa Pilipinas Game KNB



NAG-TEXT AKO AT NAGHINTAY. Dalawang buwan matapos ang birthday ko, nag-text ako para makasali sa isang game show (18 y/o na kc ako yun ang minimum age limit for gameshows). Mahigit tatlong buwan akong naghintay at mahigit 20 beses akong nag-text para lang makasali. Hanggang isang araw, may natanggap akong text message na naka-schedule ako para sa screening at exams kinabukasan. Okay lang na naghintay ako at least di naapektuhan yung studies ko.

FIRST TIME SA SCREENING. Isang araw matapos matanggap ang text message(November 30, 2007), kasama ang aking nanay [dahil hindi ko alam kung paano bumiyahe papunta Metro Manila mula Cavite] nakarating kami sa Center Road ng ABS-CBN 2. Pumila na ako at maghihintay na lang si Mama sa pinaka-malapit na kainan o tambayan. Mahigit 400 yata ang nakapila noong araw na yun mula sa ibat-ibang lugar, ibat-ibang estado sa buhay at edad, may mga baguhan na tulad ko at mga experienced players sa past game shows na sinalihan nila, at ang bawat isa ay may dahilan o rason ng pagsali nila. Pagkatapos ay pinapasok na kami at dahil sa tagal ng pila, nakipagkuwentuhan muna ako sa mga tao na malapit o kasunod ko sa pila. Pagkatapos ng mahabang pila, nagsimula na ang first exam. 10 items, more on general info, ang passing score is 8 out of 10. Nang matapos ang exam at after siguro wala pang 10 minutes, ito na ang results [nakakakaba at nanlamig na ang kamay ko]... Natagalan bago tawagin ang pangalan ko bilang pasok sa LEVEL 2 ng screening. Noong 2nd level, interview tapos exam ulit. Pagkatapos ng screening, sinabi na makaka-receive kami ng text message mula sa staff kung kelan kami maglalaro.

NARANASAN KO ANG FIRST TIME. Linggo, dalawang araw bago ang game namin, nag-text na ang staff na maglalaro ako sa Tuesday. Yes!!! Excited ako na medyo kinakabahan, ganyan talaga pag first time. Martes, ayun na ang actual day ng game ko... December 11, 2007, 11:00 am nakarating kami sa Center Road kasama ang Mama ko at hihintayin na lang niya ako sa labas (bawal kasi ang may companions sa loob ng studio)

Ala-una ng hapon, nagkita-kita lahat ng finalists na maglalaban nung araw na 'yun (20 studio finalists na sumali via text messaging, divided into 2 groups).Ako ang pinakabata sa aming 20. Pumunta na kami ng dressing room at matagal kami naghintay. Okay lang kasi marami kaming oras para makipagkuwentuhan sa mga kasama ko, kumain, at nagkaroon pa kami ng orientation kung paano mag-swipe at sumayaw ng Papaya at Bang-Bang (di ko lam ung title). Masaya naman at pinanuod din namin yung game ng ibang ka-batch namin. 3rd batch kaming maglalaro (1st yung players ng La Salle Green Archers and 2nd yung first set of studio players on that day).

Ginabi na kami at 9:30 kami nag-start. Ito na ang actual game namin, nagsimula na ang elimination ng Top 10. Nag-swipe ako sa ibang categories dahil alam ko ang sagot pero mas mabilis ang mga co-finalists ko. At nung nakumpleto ang magic 5, congrats!!! Umuwi na ang iba kong co-finalists at ako ang naiwan sa amin para manuod ng Atras Abante Round LIVE. At yung sumunod naman, pinanuod din namin yung Challenge Round kasama naman yung mga 3 nakapasok sa Atras Abante Round. At nagkataon, congrats sa amin pala nanggaling ang magiging defending champion for next year. Before that,matapos ang Atras Abante Round, si Chairman Edu Manzano, nilapitan ako at sinabi "Sayang Jonathan hindi ka nakapasok you're so smart pa naman basta next time relax" (hndi ko na mtandaan kung ito ba talaga ang sabi basta lumapit cia sa akin eh!)

DI KO NAPANUOD ANG EPISODE NAMIN. Hindi ko nga nakita mukha ko sa T.V. dahil may klase kami at napanuod yun ng family ko, mga kapitbahay,other schoolmates na nakakilala sa akin, mga co-finalists na nakapanuod ng episode namin, instructors at mga friends at classmates na vacant nung time na yun. Sabi ng tatay ko "Bumababa at yumuyuko pa ako kaya nauunahan, sabi ng friend ko, mabagal at sabi naman ni Sir Joey at ng audience na malapit sa puwesto ko, lumalagpas ako sa cursor" Tama naman sila and totoo yun... Waaahhh!!!

HINDI AKO UMUWI NG LUHAAN. Sa pagsali ko sa GKNB, nagkataon na naging masayang-masaya ako at muntik nang umiyak dahil nasa isip ko na aalaskahin ako ng ibang tao. Kabaligtaran ng inaakala ko, sabi ng mga classmates, friends at family ko, they were proud of me and they appreciate me so much and I am still lucky that from almost thousands who try to send their text messages, hundreds who make it on the screening, and appreciate that I am the youngest finalist in our batch and still thankful that I am lucky to make it on the top 10 is a best experience. Kahit P1000 lang napanalunan ko, nanlibre pa rin ako (kaso hindi lahat nalibre ko), binigay ang pera sa Mama ko na naghintay ng matagal, at bumili ng flash disk for my studies... Masaya pa rin kasi mas mahalaga naman ang karanasan sa isang bagay na ninais mo.

Una sa lahat, maraming salamat sa family at kamag-anak ko, friends, instructors, mga kapitbahay... Sa mga co-finalists ko from screening sina Ate Myla, Ate Mayet at Myko (good luck po sa mga plans or what have you doing now)... Sa mga hi and hellos at good luck at sa mga co-finalists lalo na sa mga naka-kuwentuhan ko for almost 8 hrs. kina Nano, Kuya Dodie, Joseph, Ate Shawee (esp. mga photos thank you talaga), Gel, Karla, Kristine, Ashel, Jay, and Joan (later became our defending champion!!!) Thank you for the time and mami-miss ko ang one day bonding... Kay Sir Edu Manzano sa advice nia, Sir Joey from screening to the actual game who guide us, Sir Mel Feliciano sa mga biro... Most of all kay God, thank you talaga sa guidance, luck and great blessing this year eto na talaga yung happiest moment ko as of now. Marami pa sana akong babatiin, masasabi ko sa inyong lahat ay THANK YOU!!! I APPRECIATE IT !

- jonathan =D -

No comments:

Post a Comment